Scene: Hotel Room. Time: Early morning. Jude is seen sitting on the chair, facing the hotel window, as he seems to be reading a book. Jay-r, is on the bed, lying on his back, looks with such curiosity at what Jude is doing.
Jay-r: Tol, sorry ha, parang malakas ang tama nung iniinom natin ah… First time ko pa kasi nakatikim ng mamahaling alak eh. (Grins)
Jude: ‘Lam ko tol, ang dali mo natamaan eh…
Jay-r: (Looks through the window) Eh tol, anong oras na ba? Akala ko gabi na?
Jude: (Laughs) Tol, umaga na. Napasarap ata tulog mo ah. Kaya hindi nalang kita iniisturbo.
Jay-r: (Quickly gets up from bed) Sus maryosep! Dito pala ako nakatulog buong gabi?
Jude: Bakit tol? Anong problema nun?
Jay-r: Eh, kasi…baka…
Jude: Ano tol? May problema ka ba?
Jay-r: Eh kasi, baka hinahanap na ako ni Patrick… Plano ko sana, uuwi ako kagabi eh para hindi siya mag-alala sa akin.
Jude: Sinong Patrick tol?
Jay-r: Ah, siya yung kaibigan ko tol. Dun ako nakatira sa bahay na inuupahan niya.
Jude: Akala ko dun kana natutulog sa lansangan?
Jay-r: Hindi na tol. Nung nakaraang linggo, nakilala ko si Patrick, dun din sa lansangan, kaya yun isinama na niya ako sa pinagtitirhan niya.
Jude: Ah maiintindihan ka seguro nun, kahit hindi ka umuuwi sa bahay niya.
Jay-r: Hindi tol, kasi palagi niya akong hinahanap eh, pagkatapos ng klase niya sa hapon, dadaanan niya ako sa puwesto ko, at sabay kaming uuwi sa tinitirhan niya. Malamang alalang-alala na yun ngayon kung saan na ako. Tol, dapat makauwi na ako.
Jude: Talaga bang nag-aalala yun sa’yo tol?
Jay-r: Oo tol, kasi, natatakot siyang dadamputin ako sa sindikato.
Jude: Anong sindikatong pinagsasabi mo tol? May connection ka ba sa illegal drugs?
Jay-r: Hindi ah… ‘Lam mo bang karamihan sa mga pulubi dyan sa lansangan ay miyembro ng sindikato? Mukhang pulubi lang yan pero nagtatrabaho sila para sa isang sindikato.
Jude: Ha? Papano yun?
Jay-r: Yung kita nila sa pamamalimos, binibigay nila sa Big Boss nila pagkatapos nang trabaho nila. Pinapakain lang sila, dinadamitan, pinatitira sa isang bahay, at kung ano-ano pang benepisyo nila para lang magtrabaho at magkapera.
Jude: Tol, hindi ko alam yan ah…
Jay-r: Yun ang totoo tol…
Jude: Ganun ho ba?
Jay-r: Sige tol, uuwi nalang muna ako. Alalang-alala na talaga yun sa akin…
Jude: Sige tol…Baka hinahanap ka na ng asawa mo…(Grins)
Jay-r: Sus, Ginoo…tamaan sana ako ng kidlat….(laughs)
Jude: Matanong ko lang tol, ito nalang ba gusto mong buhay? Na maging pulubi nalang buong buhay mo?
Jay-r: Tol, sino bang gago ang gustuhin itong trabaho na to? Wala na kasi mapipilian eh? Kung alam mo lang pagtitiis ko nito tol! Kung alam mo lang gaano kahirap to…kung…
Jude: Tol, naiintindihan ko pananaing mo. Tol, gusto kitang matulungan, basta tulungan mo din ako.
Jay-r: Papano nga ako makakatulong sa yo tol, eh wala nga akong…
Jude: ‘Wag kang mag-alala tol, ako bahala…
Jay-r: ‘Lam mo tol, wala kayong pagkakaiba ni Patrick. Parang napaka-ayos ng buhay nyo…
Jude: Tol, dumaan din ako sa pinagdaanan mong hirap kaya…
Jay-r: Pero mabuti’t nakaahon kana tol…pero ako ganito pa rin, di ko pa nga alam ano mangyayari sa akin…
Jude: Tol, hanggat kaya ko, gawin ko para lang matutulungan kita, kahit papaano.
Jay-r: Salamat tol. Oh sige na tol, uwi na muna ako, alalang-alala na talaga yung kaibigan ko dun.
Jude: Tol, pwede ba ako sumama nalang sa’yo?
Jay-r: Tol? Seryoso ka?
Jude: Oo, naman, bakit may problema?
Jay-r: Eh nakakahiya sa’yo eh. Kasi di ba, mukhang mayaman ka at…
Jude: Tol, hayaan mo na yun…Kaibigan mo na ako di ba? Wag ka mag-alala…
Jay-r: Oh sige, pero ikaw din ha…(They both walk and exit)