6 Comments

KAPALARAN CHAPTER 2

KAPALARAN CHAPTER 2

Scene 2: At Jude’s hotel room..

Jay-r: Tol, dito ka ba nakatira? Ganda dito tol! Ganda ng view!!! Nakakahiyang sabihin pero lam mo, first time ko pa nakapasok ng hotel. Ganda pala.

Jude: Tol, feel at home ka lang dito ha.

Jay-r: Tol, nakakahiya nga sa’yo eh, kasi ang baho-baho ko, tapos dito mo pa ako dinala sa mamahaling hotel!

Jude: Kaya nga kita dinala dito, para maligo ka, hehehe, joke lang tol. Oh ano gusto mo  magshower ka?

Jay-r: Di pa talaga ako  makapaniwala na nasa hotel na ako ngayon tol, parang panaginip ko lang ‘to. (Walks around the room, peeps in to the bathroom, goes sits on the bed for a second, stands up, and looks through the clear glass window of the hotel) Sa isang buwan ko sa lansangan, parang nakalimutan ko na may pag-asa pa eh, nakalimutan ko na ngang may marami pa palang magagandang bagay sa mundo.

Jude: Ayan na naman, nag-dadrama na naman! Maligo ka na muna dun, ang bansot mo eh. (Laughs)

Jay-r: Sakit na man magsalita nito. Sige na nga. (Lazily goes to the bathroom)

Jay-r exits. Jude grabs a chair and sits facing the window while looking through the majestic view outside the hotel.

Jude: Lord, sana, ayun sa kalooban mo ‘tong gagawin ko. Sana. At h’wag mo akong pabayaan ha. Misyon natin to. Please. At Lord, ‘wag mo pong pabayaan itong bago kong kaibigan, si Jay-r. Sa tingin ko’y mabait naman siya eh. Please ha…

Jude rings the hotel attendant and orders drinks and nibbles. Then, he goes back to the chair and sits and takes a nap. After sometimes, Jay-r goes out of the bathroom, with  a bath towel wrapped around his waist, approaches Jude quietly, but when he finds out that the latter is sleeping, he slowly goes to sit at the edge of the bed. He looks through the hotel window, looking at the blue afternoon sky.

Jay-r: (To himself) Kumusta na kaya si Patrick ngayon? Seguro nag-alala na yon ngayon na wala ako dun sa dati kung puwesto. Pero sige lang pupuntahan ko yon mamaya sa tinitirhan niya. At ito si Jude, sino ba talaga ‘to? Bakit kaya interesado siya sa akin? At bakit kaya niya ako dinala dito sa hotel na ito? Imposible! Sa tingin ko, hindi naman siya bakla. Ang machong-macho pa nga eh, at saka may itsura din. Pero bahala na, importante, tutulungan daw niya ako.

A knock at the door is heard. Jude stands up quickly to get it, but Jay-r goes to open the door first.

Roomboy: Excuse me sir, ito na pala order nyo.

Jay-r: Oi tol, nag-order ka pala ng inumin ah, at mukhang mamahalin ‘to ah…

Jude: (to the roomboy) Thanks boy ha. (Gets a 500 peso bill out of his wallet and gives it to the roomboy) Oh ito, pang load mo.

Roomboy: Maraming salamat po Sir, napakalaki na po nito.

Roomboy leaves. Jay-r looks unimpressed, brings the tray of drink and nibbles to the small table positioned against the wall of the hotel near the window.

Jay-r: Ang laki nung binigay mo nun ah. Nagmamayabang ka ba?

Jude: Tol, ano ka ba? Wala yun. Alam mo  bang umaasa din ang mga roomboy dito ng malaking tip kasi maliliit lang yung mga sweldo nila?

Jay-r: Pasinsiya na tol, kasi para sa akin, malaking halaga na yon eh, malaking bagay na yon eh para sa akin.

Jude; Yun naman pala eh. Kung malaking bagay yun para sa ‘yo, malaking bagay din yun para sa roomboy na yun. (Pours out the wine into two glasses, gives one to Jay-r) Cheers tol…cheers!!!!

Jay-r: Tol, matanong ko lang, bakit mo ba ako chinek-in dito? May gagawin ba tayo?

Jude: Ano sa tingin mo? (Sips a bit of a wine)

Jay-r: Tol, pasinsiya na ha, pero hindi ka talaga mukhang bakla ah.

Jude: Bakit tol, nagdududa ka ba sa akin? Na bakla ako?

Jay-r: (Gulps the remaining wine in his glass) Sorry tol, hindi ko lang kasi maiwasang iisipin yun eh, kasi di ba mga magkasintahan lang yung mag-chechek-in sa hotel?

Jude: (Laughs hysterically) I understand, na talagang yun ang nasa isip mo. Tol, ang hotel hindi lang para sa mga magkasintahan, para sa lahat to…

Jay-r: Ganun ho ba? Sinsya na tol, akala ko kasi…

Jude: Na bakla ako? Tol, hindi…I swear. Peksman.

Jay-r: Pero kahit sino ka pa tol, o ano ka, magpapasalamat pa din ako sa yo kasi dahil sa yo, nakatikim ako ng masarap na buhay, tulad nito kahit manandalian lang. (Takes the half-full bottle of wine and gulps it all)  Salamat talaga tol ha.

Jude: Sus, wag mong intindihin yun. Tol, dinala kita dito kasi may project ako eh, at sa tingin ko makakatulong ka dito. Sana man lang matulungan mo ako.

Jay-r: Project? Tol, nakalimutan mo na ba kung saan mo ako unang nakita?( Manifests some signs of being drunk) Sa lansangan tol! Sa tingin mo ba’y may magagawa ako sa yo? (Points  to himself) Itong pulubi na ‘to???

Jude: Tol, marami, marami akong nakita na magagandang maitutulong mo. Basta maniwala ka lang sa akin.

Jay-r: Okey, okey, ano ba yang project mong yan? (Notices that he is still wearing the bath towel around his waist) Oi, tol, sorry, malapit ko nang makalimutan. Pwede ba manghiram muna ako ng damit mo? Ang dumi  na kasi nung mga gamit ko eh. Ayoko nang isuot yun kasi ang bansot na nun eh…

Jude: Sus, yun lang ba, walang problema. (gets a spare shirt and a pair of shorts from his backpack and gives it to Jay-r) Oh yan na.

Jay-r: Salamat tol, mabuti ka talagang kaibigan. (He puts on the pair of short, leaving the shirt aside and goes to lay on the bed)

Jude: Walang problema yun tol, salamat din at pinaniniwalaan mo ako. Good night!!!

_______________ to be continued________________________

6 comments on “KAPALARAN CHAPTER 2

  1. Hello, I’m a college student and I’m learning a lot about writing by reviewing blogs. I really like your style of writing. It’s easy to understand but with good details. Your vocabulary makes it fun to read and understand. That’s a huge portion of writing. Your followers have to be able to understand what you’re saying and the article has to be interesting. You need to challenge your readers, so they will come back for more. You do a great job with all of these aspects. Thanks!

  2. Thanks, I loved this blog post. I found this blog using Bing search, and certainly liked taking time to read it, so I’ll probably visit through again within a month and read up on what’s new 😀 Great Article!

  3. Howdy! I could have sworn I’ve been to this blog before but after browsing through some of the post I realized it’s new to me. Nonetheless, I’m definitely glad I found it and I’ll be book-marking and checking back frequently!

  4. I’ve been checking your blog for a while now, seems like everyday I learn something new 🙂 Thanks

  5. As I site possessor I believe the content matter here is rattling excellent , appreciate it for your hard work. You should keep it up forever! Good Luck.

  6. I Staleness include that you are one of the incomparable bloggers I ever saw.Thanks for transmittal this revealing article.my websites:dr dre beats

Leave a Reply to free website Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: