3 Comments

KAPALARAN CHAPTER 4


AT PATRICK’s APARTMENT. They are sitting around the small kitchen table sipping fruit juice.

Patrick: Ah, kaya pala wala kana dun sa dati mong puwesto?  Akala ko dinampot kana ng sindikato.

Jay-r: Pasinsiya na pare, kasi…

Patrick: ‘Wag mong alalahanin yun. Ang mahalaga nasa mabuting kamay ka kagabi.

Jay-r: Alam mo ba pare, kung saan ako nakatulog kagabi?

Patrick: Sa bahay ni Jude ano?

Jay-r: Hindi tol. Sa Hotel. Grabe ang ganda dun pare! Ang sarap ng buhay dun…Ayoko na nga sanang bumalik dito eh…kaso…

Jude: Kaso na-miss kana daw nito eh..(to Patrick)

Jay-r: Tol, ang labo ng pag-iisip mo ah…

Jude: Joke lang tol…ano ka ba?

Patrick: (laughs) Eh masama ba kung totooo yung sinasabi ni Jude? (laughs)

Jay-r: Psssssst… tama na yan ha…sobra na yan. (gets upset) Dahil ba ganito ako, basta-basta nyo nalang akong pinipintasan?

Patrick: Aba, pare! Galing mo magdrama a! Pwede na…pwede ka na mag-artista!!!

Jude and Patrick laugh. Jay-r stands up and heads to the door. Jude stops him.

Jude: Tol, ano kaba?  Joke lang yun. (To Patrick) Di ba pare?

Patrick: (Stands up and gets closer to the Jay-r) Pare, Pasensya na, di ko akalain na seryoso pala yun para sa’yo eh. Gusto lang namin mapasaya ka…

Jay-r: Akala nyo masayang buhay tong pagiging pulubi? Alam nyo bang sa araw-araw kong pamamalagi sa lansangan, unti-unti ko nang pinatay sarili ko?

Patrick: Pare, ‘wag kang magsabi ng ganyan? Andito  ako. Andito kami ni Jude o, mga kaibigan mo na kami, di ba?

Jay-r: Oo, at alam nyo ba? Yun nalang ang dahilan ko para mabuhay dito sa mundo. Na may dalawang taong nag-titiis sa akin. Kung di lang kayo dumating, seguro patay na ako ngayon.

Patrick: Naawa ako sa iyo pare. Alam kong paghihirap mo. Batid kong gusto mong makaahon, pero di ko rin alam ano gagawin eh…

Jay-r: Malaking pasasalamat ko sa iyo Patrick, kasi di mo lang alam, nung araw na kinuha mo ako sa lansangan, ay yun na sana ang araw na magpapakamatay ako. Buti’t dumating ka…at…

Patrick: Ha? Sus maryosep! Pare, malaking kasalanan yan…Akala mo  ba lutas lahat problema mo pag patay kana?

Jay-r: Eh wala namang kwenta tong lintik na buhay na to eh…Sino bang taong nasa tamang pag-iisip ang gugustuhin ito?

Jude: Tol, habang  buhay may pag-asa tayo. (To Patrick) Ahm Pareng Patrick, matanong ko lang, bakit mo naisipang isasama si Jay-r dito sa boarding house mo at dito na pinatitira?

Patrick: (jokingly) Kasi nung una ko siyang nakita, talagang may appeal siya eh…(laughs) Nakita kong siya na ang ideal man ko!!!(laughs)

Jay-r: Sus Ginoo!!! Tamaan sana ako ng kidlat!!!

Jude: Pare, eh, ah…er…seryoso ka ba? O trip mo lang to?

Patrick: Joke lang yun pare, ano ba kayo? Hindi ako bakla ah…at kung bakla man ako, akala nyo ba pi-pik-ap ako ng taong lansangan?

Jay-r: Sige!!! Laitin mo pa ako??? Sige pa…

Jude: Sus tol, ano ka ba? Bakit sine-seryoso mo lahat. Nagkatuwaan lang tayo oh.

Jay-r: Kasi, totoo naman yung sinabi nya eh…

Jude: Ah kaya pala…kaya pala…

Jay-r: Ano? Anong kaya pala?

Jude: Kaya pala, masakit para sa iyo, kasi sabi mo katotohanan yun di ba? So masakit talaga…

Patrick: Sa totoo lang pare, naawa ako ni Jay-r eh, nung nakita ko siya namamalimos…parang kinukurot itong  puso ko…parang…di ko maipaliwanag eh…

Jude: Aba pare, ganun din ang naramdaman ko ah. Nung una ko siyang nakita dun sa lansangan, awang-awa ako sa kanya. ‘Lam mo, isang lingo ko na siya minamanmanan dun eh…

Patrick: Ho? Bakit pare? Ah may plano ka sa kanya no? (laughs)

Jay-r: O ayan na naman, kung ano naman kaya patutunguhan nito…

Jude: ‘Cool ka lang dyan tol, di kita type ha…(laughs) Gusto ko totoong babae…hindi yung mga tipong Rusty Pogi-reyna. (laughs)

Patrick: Pare, may tupak ka din ano? Pero bakit nga ba pare? Bakit ka interesado ni pareng Jay-r?

Jude: Ikaw muna, tatanungin ko pare. Gusto mo nalang ba dito mananatili si Jay-r habang siya’y patuloy na namamalimos?

Patrick: Ah, eh…errrr…di ko din alam pare eh…talagang naawa lang ako sa kanya?

Jude: At bakit mo ginawa to sa kanya? Bakit mo siya sinagip? Anong kapalit?

Patrick: Pare, kasi…kasi…nakita ko sa kanya ang sarili ko eh…Nakita ko sa kanya ang  nagiging hantungan ko sana kung dun nalang ako namamalagi sa bahay namin.

Jude: Bakit pare? Maaari bang i-kwento mo sa akin, sa amin ni Jay-r ang tungkol sa buhay mo pare? Kung okey lang sa yo?

Patrick: (Starts sobbing, covers his face with his hands) Lintik na buhay to pare…lintik na buhay to!!!…(punches the table)

Jude: (Stands up and puts his arm around Patrick’s shoulder) Pare, huminahon ka…Please…nakikiusap ako.

Patrick: (Regains his composure) Sorry pare, di ko lang mapigilan sarili ko eh…

Jude: Pare, ano ba talaga problema mo? Pwede ba i-share mo sa akin? Kahit di mo pa ako itinuring na kaibigan, dahil ngayon lang kita nagkakilala, pero alang-alang ni Jay-r pare, di ba sabi mo kaibigan mo siya…please…

Patrick: Sorry pare, (to Jay-r) Sorry din pare, kasi parang ginamit lang kita eh…sa sarili kong kabutihan…I am sorry pare…I am sorry…( hugs Jay-r as he continues sobbing)

Jay-r: Okey lang yun pare, naiintindihan kita…Wag mo alalahanin yun. Pasalamat pa nga ako’t pinatira mo ako dito at itinuring na kaibigan mo….Talagang totoo kang kaibigan pare…kung di dahil sa’ yo patay na ako ngayun.

Jude: (To Patrick) Okey lang pare kung ayaw mo munang sabihin sa akin problema mo, personal mo talaga yan eh…Nagbabakasakali nga lang ako eh kung may maitutulong ba ako sa iyo…

Patrick: Salamat pare, pero sa tingin ko wala ka ng magagawa eh…Wala ka nang magagawa sa nawasak naming pamilya…Napakahirap pare…

Jude: Pero nag-aaral ka pare di ba? So ibig sabihin nun may ginawa kang bagay na baka sa darating na panahon makakatulong sa iyo at sa pamilya mo.

Patrick: Pampalipas-oras lang to pare eh.Inuubos ko lang pera na nakuha ko sa mga magulang ko, pagkatapos nun, magsisikap na akong magkapera ng sarili ko. Kaya seguro sasabay na ako ni pareng Jay-r sa pamamalimos…Buti pa seguro yun, magkapera ako ng sariling sikap ko, kahit papano…

Jude: Pambihira ka din ano? Pare, batid kong galing ka sa medyo may-kayang pamilya. Batid ko sa porma mo. Batid ko sa itsura mo. At batid ko na wala sa porma mo ang magiging pulubi. Gwapo ka…at…kung…

Patrick: Oo pare, inaamin ko, mayaman kami, pero wala ring nagawang kabutihan yung yaman na yun sa amin. Yun pa ngang dahilan kung bakit ako umalis sa amin eh. Kasi palagi lang silang nag-aaway tungkol sa perang biglang naglaho dahil sa sugal.

Jude: Pare, wala ka na ba talagang pag-asa? Pare, habang may buhay…tuloy ang takbo ng kapalaran natin. Kaya walang mangyayari sa atin kung kahit pag-asa ay wala na tayo…

Patrick: Pare, ang galing mo magsalita. Palibhasa hindi pa naman ikaw yung biktima. Kung ikaw kaya sa katayuan ko pare, may magagawa ka kaya? May magagawa ka kaya sa mga sitwasyong tulad nito?

Jude: Depende lang yan pare. Depende kung ano ang gusto mong gawin. Ikaw  ang tatanungin ko ngayon. Ano ba gusto mong gawin ngayon? Ito ba gusto mo, na mamalimos habang buhay? Sa tingin mo bay, maayos yung sitwasyon mo kung hanggang dito kalang at maghintay sa wala…?

Patrick: Eh di ko nga alam ano gagawin eh…Sus kung alam ko lang pare, kung alam ko lang…

Jude: Pare, kung ikaw lang, sa tingin mo, walang magagawa…Tayo meron…magtulungan tayo…pati ito sa Jay-r, may maitutulong din kung gugustuhin niya.

Jay-r: Eh ano ngayon? Di ba sabi mo tol, may project ka lang gagawin dito? Hindi ka naman magtatagal dito eh…Seguro pagkatapos ng project mo, bigla ka na lang maglalaho?

Jude: Wag kayong mag-alala pare, tol. Habang andito ako, gawin kong makakaya ko, matulungan lang kita….

Patrick: At ano ngayon plano mo? Sa amin ni pareng Jay-r?

Jude: Ewan ko pa nito ni Jay-r eh…di ko pa alam ano gagawin nito eh…

Patrick: Pareng Jude, parang malaman mo na,  malaki din ang problema ni pareng Jay-r ngayon…

Jay-r: Sus, ito oh, binanggit pa naman…okey lang yun…tanggap ko na eh….

Patrick: Wag kang magsinungaling tol…kaibigan mo na kami di ba?

Jude: Tol, hanggang ngayon, wala ka pa ring binanggit sa akin, kung bakit humantong ka sa pamamalimos. Hanggang dito ka nalang ba?

Jay-r: Eh…kasi…ano eh…

__________ to be continued_________________

3 comments on “KAPALARAN CHAPTER 4

  1. wow…I’m not sure about what the other participants mat be thinking but you sure do have some valid points there. For an instance, I totally agree with what you’re saying in the last paragraph. Keep it up!

  2. I’ve bookmarked https://junjunfaithbook.com/2010/07/15/kapalaran-chapter-4 at Reddit.com so my friends can see it too. I used %BLOGTITLE% so it was a good title.

  3. An attention-grabbing debate is price comment. I really believe that you should write extra about this topic, it may not be a taboo subject matter however usually people aren’t enough to dicuss about such matters. Cheers!

What do you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.